Wednesday, April 13, 2011

Tips and guide to earn from website by jamesbahian

Sa mga kabayan ko na nag-email sa akin:

Gusto kung humingi nang paumanhin! 

Alam nyo bang 33 kayo lahat na nagpadala ng email sa akin kamakailan lang para magpatulong sa paggawa ng website? Sa totoo lang, labis akung natuwa. Pero nung magsimula nang magkaroon ng ibat-ibang query ang bawat isa sa inyo, nahirapan na akung tingnan kung paano ako magrereply sa kada isa sa inyo. Tuloy, naisip ko na sana isa akung "search engine"na kahit sabay-sabay pa kayong magtanong eh masasagot ko kayo agad sa isang segundo lamang. Ok lang siguro kung pare-pareho kayo nang tanong para isang sagot lang ang ibigay ko sa inyong lahat. Hindi ko naman talaga inakala na ganyan ka rami ang magpatulong. Akala ko isa o dalawa lang.

Siguro napansin ninyong naging aktibo ako dito sa forum na ito ngayong linggo pa lamang. Yun ay dahil simula noong hindi ko na masyadong ina-update ang dalawang website ko at isang blog, nagtatrabaho na ako para sa JMedia Design Ltd., a UK based company. Kinuha nila ako bilang isa sa siyam webmasters at programmers nila apat na buwan na ang nakakaraan at binabayaran nila ako sa salary na gusto ko dahil sila ang nag-offer sa akin. At sa linggong ito, sinabi ko sa kanila na magpapahinga muna ako. Hindi nauubos ang aming kliyente na nagpapagawa ng website kaya sobrang nakakapagod din. Kaya sa susunod na linggo, hindi na ako magiging aktibo dito. Bukod doon, mukha wala na din itong site o yung account ko.

Kaya ngayon, bibigyan ko nalang kayo ng overview sa mga hakbang na dapat nyung gawin sa binabalak ninyung website.

1. Unang-una ay ang pagbuo mo nang layunin at ang pagpili nang niche para sa inyong website.Maganda kung gagawa ka nang site tungkol sa mga tips na alam mo, ibat-ibang tips. Pero since naka-focus tayo kung paano ka kikita nang malaki, pinakamaganda kung gagawa ka nang product related na website. Pag product related kasi, mahal ang clicks ng mga google ads mo kumpara sa mga tips lang o tutorial. Sa website ko, $5 - $40 ang nakukuha ko sa bawat click ng aking bisita sa google ads ko. Kaya kahit kunti lang ang clicks, malaki parin ang aking kikitain sa loob nang isang buwan lalong-lalo na napakarami na nang webpages ko.

Kung pipili ka din nang product, wag mung ihalo lahat ng mga produkto. Halimbawa, gagawa ka nang celphone reviews, so celphone lahat dapat ang nasa site mo. Wag mung haluan nang dvd o playstation, yun ay dahil malilito ang google bot kung anung topic mayroon ka at mahihirapan siyang i-index ang iyong site kung aling kategorya ka talaga nabibilang. So napakalaki ang epekto niyan sa google rankings mo.

At sa paghahanap din nang keyword, kung hindi mo pa kayang bumili nang marketsamurai, eto ang gagawin mo. 

Punta ka sa google at gamitin mo ang google keyword research tool. Magsearch ka nang keyword doon.
At kapag may napili kana, ganito ang i-type mo sa search bar: "plasma tv"
Halimbawa lang yan. Dapat langyan mo nang quotes ang keyword. At kapag sumubra sa 50,000 ang resulta, ewan mo ang keyword at humanap ka ulit. Kapag nakapasa na ang keyword sa unang mung pagsubok, ganito ulit ang i-type mo: inurl: "plasma tv"
Kapag mas mababa sa 1,500 ang resulta, ibig sabihin napaka ganda nang keyword na iyong napili. Pero dapat ay related ito sa products na topic mo. Pag nakapasa narin sa pangalawang pagsubok ang keyword mo, i-type mo yan sa search bar nang walang quotes: plasma tv
Tingnan mo ang top 10 na resulta sa first page. Mag-install ka nang SEO Quake na add-on para sa firefox para makita mo ang mga PR (pagerank) nila. Kung ang top 10 ay may majority PR na 4 pataas, ewanan mo narin ang keyword dahil aabutan ka nang tatlong taon na SEO task bago ka makapasok sa top 10.

Ganyan lang ang paghahanap nang keyword at ganyan din ang gagawin mung paghahanap sa bawat keyword ng topics na gagawin mo. 

2. Pag-construct nang website. Kung wala kayong alam sa HTML, CSS, Javacripts, PHP, SQL at JQuery, ok lang. Maraming libreng web templates sa internet. At sa pag-edit, bili kayo o humanap nalang nang mga crack na Dreamweaver. Maraming tutorial sa internet kung paano gamitin yan. Noon, sa notepad lang talaga ako nag-eedit dahil gusto kung ma-master ang codes. Yun ang pinakamahirap na mag-edit. Pero ngayon, gumagamit na rin ako nang dreamweaver, dahil mayroon deadline para sa aming mga cliente. 

So, sa part na ito, ang pag-aaralan mo ay kung paano gamitin ang dreamweaver sa paggawa nang website. at ang pinaka-importante din ay ang pag-aralan mo ang tungkol sa "on-page optimization."I-google nyo yan.

3. SEO task Kung gagamitin mo yung Adobe Dreamweaver sa paggawa nang iyong website, pwede mung matapos yun sa loob nang isang linggo. Isang araw o isang oras lang din ang kakailangan sa pagpost nang topic. Pero ang SEO task mo, aabutin ka nang maraming buwan depende sa kompetisyon nang keyword na ginamit mo para makapasok ka sa top 10 o top 3 sa search engine gamit ang keyword mo.

Kaya, sa parting ito, kailangan mung pag-aralan ang SEO on-page optimization at off-page optimization.

Yun lang mga kababayan. Alam kung marami pa akung nakalimutang banggitin pero baka pagalitan nyo na ako sa sobrang haba nang post na ito.

Bukod sa gagastosin sa hosting, talagang nakakapagod ang gumawa at mag-manage nang website, kaya hindi ito pupwede sa mga tamad.

Sa mga gusto parin sa PTC, nasa inyo na yan. May kanya-kanya tayong diskarte sa buhay. Pero, ang tanong ko, hanggang kailan ba matatapos ang inyong paghahanap nang stable na PTC? Parang walang katapusan yatang paghahanap at nakakapagod din lalong lalona na may isinusugal kayong pera. So goodluck nalang sa inyo at sa ating lahat.

Magandang araw! 

James, 26

Update:

Yung work ko nga pala sa JMedia Design Ltd. ay online jobs yan. Sa onlinejobs.ph ako nagpost nag-profile at doon din nila ako nadiskubre.